
Iginiit ni House Committee on Agriculture and Food at Quezon 1st District Representative Mark Enverga ang pangangailangan na magpatupad ng reporma sa Philippine Crop Insurance System.
Ayon kay Enverga, ito ay para matiyak na mabibigyan ng proteksyon ang mga magsasaka at mangingisda lalo’t sunod-sunod ang pagtama ng mga kalamidad sa ating bansa.
Nababahala si Enverga na kung hindi mapalalakas ang suporta sa sektor ng agrikultura ay baka tamarin na ang mga magsasaka at mangingisda kung mahihirapan silang bumangon mula sa pagkalugi dahil hagupit ng mga kalamidad.
Tinukoy ni Enverga na isa sa mga panukalang nakahain ay ang weather-based index crop insurance system, kung saan awtomatikong makatatanggap ng kompensasyon ang mga magsasaka batay sa tindi ng pinsalang dulot ng masamang panahon.









