Reporter ng isang radio station sa Boracay at kasama nito arestado matapos lumabag sa Executive Order

Malay, Aklan — Arestado ng Malay PNP ang isang reporter nga isang radio station sa Boracay at kasama nito kagabi matapos na maglabag sa Executive Order No. 020 series of 2020 partikular ang Social Distancing at Liquor Ban.
Nakilala ang reporter na si Johnny Ponce, 34-anyos, native ng New Washington, Aklan at kasalukuyang nakatira sa Sitio Bolabog, Brgy. Balabag, Boracay at ang kasama nitong si Joe Vincent Umaneta, 27-anyos at residente ng Sibalom, Antique.
Base sa report ng Malay MPS, nahuli ang dalawa matapos pinara ng mga otoridad sa may Sitio Lugutan dahil na may angkas kung saan paglabag ito sa social distancing.
Nalaman rin na lasing ang mga ito na paglabag rin sa liquor ban.
Ipinaliwanag sa kanila ang nasabing paglabag ni sa executive order pero naging arogante pa si Ponce at pinagsabihan ang amg otoridad na bakit hindi hinuli ang dalawng senior citizen na nandon sa lugar gayong 24 oras ang curfew sa kanila.
Sinabihan rin sila no Ponce na walang silbi ang uniporme ng mga otoridad dahi na nakatayo lamang ang mga ito at pinaharurot na ang motorsiklo na mabilis din itong hinabol at nahuli.
Sa ngayon ay naka kulong ang dalawa sa lock up cell ng Malay MPS at nakatakda naman itong sampahan ng kaso ngayong araw.
#TatakRMN <www.facebook.com/hashtag/tatakrmn?source=feed_text&epa=HASHTAG&__xts__%5B0%5D=68.ARBDx9PoudqsvbRHGKZ7WuGSJ9xplbLPrNaNhO6_4qDInhA5p5XLwDOZZ0w6_CpnUQ-nmzaukK_n-neYrXGrkrr8pb9fvUGIIurZjsH7atOc2htnWZVV…> #COVID19 <www.facebook.com/hashtag/covid19?source=feed_text&epa=HASHTAG&__xts__%5B0%5D=68.ARBDx9PoudqsvbRHGKZ7WuGSJ9xplbLPrNaNhO6_4qDInhA5p5XLwDOZZ0w6_CpnUQ-nmzaukK_n-neYrXGrkrr8pb9fvUGIIurZjsH7atOc2htnWZVVQ…>

Facebook Comments