
Iginiit ni House Assistant Minority Leader at Kabataan Partylist Rep. Renee Co na hindi si dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang tunay na ‘big fish’ sa flood control scandal.
Bunsod nito ay binigyang diin ni Co na ang pag-aresto kay Romualdez ay simula pa lang dahil dapat ay masampahan din ng kaso ang mga miyembro ng Gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sangkot sa korapsyon.
Ayon kay Co, hindi nagsimula at hindi matatapos kay Martin Romualdez ang laban kontra korapsyon.
Ipinunto ni Co na kung seryoso ang Marcos Jr. administration sa pananagutan, ay bakit may pork barrel pa rin sa badyet ng 2027, kaya back to normal ang hindi-maka-mamamayang badyet sa gitna ng hindi pa rin natatapos na corruption scandal.
Dismayado rin si Co na binalik ang bilyones na pondo para sa flood control projects na ang malaking bahagi ay nakasentro sa Department of Public Works and Highways (DPWH) Central Office.










