Tuesday, September 8, 2026

Malacañang, pumalag sa batikos ni VP Sara sa ekonomiya

Pumalag ang Malacañang sa mga batikos ni Vice President Sara Duterte sa kalagayan ng ekonomiya, lalo na sa paghina ng piso kontra dolyar.

Ayon kay Palace Press Officer at PCO Undersecretary Claire Castro, hindi lamang Pilipinas ang apektado ng paggalaw ng currency dahil nakadepende rin ito sa mga kaganapan sa global market.

Nakatutok din aniya ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at gumagawa ng mga hakbang para mapanatiling matatag ang presyo at financial system.

Giit ng Palasyo, prayoridad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga problemang direktang nararanasan ng mga Pilipino, kabilang ang presyo ng pagkain, pamasahe, trabaho, kita at iba pang gastusin.

Kasama rin dito ang agarang tulong sa mga naapektuhan ng pagbaha.

Sa kabila ng mga batikos sa politika, nagpapatuloy ang trabaho ng gobyerno, ayon kay Castro.

Bukas din aniya ang administrasyon sa pagsusuri at kritisismo sa ekonomiya, basta nakabatay sa datos at resulta.

Facebook Comments