Tuesday, September 8, 2026

Lakas-CMD, tiwalang handang harapin at hindi uurungan ni Romualdez ang mga alegasyon laban sa kanya

Handang harapin at hindi uurungan ni dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang kasong plunder kaugnay sa flood control scandal.

SInabi ito ni partido Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) Spokesperson Rep. Zia Alonto Adiong kasunod ng pag-aresto kay Romualdez para sa kasong plunder.

Ayon kay Adiong, noon pa man ay lubos na ang kooperasyon ni Romualdez sa mga imbestigasyon kaugnay sa maanumalyang flood control projects kaya mayroon na itong pagkakataon ngayon para patunayan sa korte na walang ebidensya laban sa kanya.

Bunsod nito ay umaapela si Adiong ng due process at patas na proseso para kay Romualdez.

Ayon kay Adiong, sa ngayon ay hindi pa pormal na tinatalakay sa Lakas-CMD ang nangyayari kay Romualdez na kanilang National President.

Facebook Comments