Monday, May 25, 2026

PNP Chief General Nartatez, nanawagan kay Senator Bato dela Rosa na pairalin ang sense of duty sa gitna ng nagpapatuloy na operasyon para matunton ang nasabing Senador

Umapela si PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. kay Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na pairalin nito ang sense of duty sa gitna ng nagpapatuloy na paghahanap sa kanya.

Ayon kay Nartatez, nananatiling ginagalang ng mga pulis si Senator Bato dahil sa kanyang mga taon ng paglilingkod bilang dating pinuno ng pambansang pulisya ngunit nananawagan sya sa Senador na igalang rin sana nito ang operasyon ng mga pulis sa pamamagitan ng buong pakikipagtulungan sa mga ito.

Iginiit ng hepe ng Philippine National Police (PNP) na patuloy na umaasa ang mga awtoridad na mareresolba pa rin nang mapayapa ang nasabing sitwasyon.

Nabatid na nananatiling hindi nagpapakita sa publiko ang Senador sa gitna ng mga legal na usapin kaugnay ng imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC).

Gayunpaman, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng pulisya sa iba pang law enforcement units para mabantayan ang kinaroroonan ni Senator Dela Rosa.

Facebook Comments