
Bitbit ang mga walis at mga basahang pamunas, ilang mga nasunugang pamilya sa Barangay Pinyahan ang hidi inalintana ang mainit na panahon upang makibahagi sa Brigada Eskwela sa Pinyahan Elementary School sa Quezon city.
Suot ang mga sombrero at iba pang proteksyon, nilinis ng mga Pinyahan fire victim ang mga bakal na bakod at gate ng eskwelahan.
Habang ang mga miyembro ng Ecowaste Coalition ay nagpintura ng mga lead-free na pintura.
Ayon kay Riza Santoyo, kahit nahaharap sila sa mga pagsubok dahil sa pagkasunog ng kanilang bahay, masaya silang tumulong sa paghahanda para sa maaliwalas na pagbabalik eskwela.
Aniya, sa kabila ng paghihirap kinakailangan para ring magpatuloy sa pag-aaral ang kanilang mga anak.
Umapela naman ang Ecowaste coalition sa mga nakikibahagi sa aktibidad na iwasang gumamit ng mga environmental pollutants upang masiguro ang ligtas na pagbabalik Eskwela ng mga mag-aaral.










