Thursday, August 20, 2026

Pilipinas at Japan, nagkasundong makipagkalakalan ng mga bulaklak at mga halamang ornamental

Interesado umano ang Japan na makipagkalakalan sa Pilipinas ng mga bulaklak, mga halamang ornamental, at iba pang mataas na kalibreng horticulture products.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., mayroong malaking export market sa horticulture products sa buong mundo kung saan ay may adbentahe dito ang Pilipinas.

Aniya, kailangan mapanatili ang adbentahe na ito at may pangangailangang makapagtanim pa ng mas marami.

Dagdag ni Laurel, ang horticulture ang umuusbong na pangunahing export growth area ng Pilipinas kasabay ng mga tradisyunal na mga produktong agrikultura.

Kasunod ito ng high-level na mga pagpupulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga opisyal ng Japan Ministry of Agriculture.

Facebook Comments