Sa Pangasinan: Dating Chief of Police sa isang bayan idineklarang Persona non grata ng mayor

Idineklarang Persona non Grata ni Mayor Timoteo “dick” Villar III ang dating Chief of police ng Sto. Tomas Police station na si Police Captain Fredie Lorenzo.
Matapos ang maling paratang umano sa alkalde na ito ay nagmamay-ari ng matataas na kalibre ng armas, ngunit ayon sa alkalde ang mga mataas na kalibre ng armas ay pag- mamayari ng kanyang yumaong kapatid na si Antonio “bebot”Villar na sa kalaunay idinonate sa Sto. Tomas Police Station.
Isa pang inirereklamo ay ang pagpunta umano nito sa eskwelahan ng anak ng isang suspek na nagtatago na sinubukang kausapin upang makakuha ng impormasyon. Ngunit hindi pinayagan ng principal at naghanap pa ng di umano ng single na guro.
Sinubukan ng IFM Dagupan na hingian ng pahayag ang dating hepe ngunit tumanggi itong magsalita
Sa ngayon ay nasa provincial admin holding unit ang dating hepe habang iniimbestigahan ang mga paratang sakanya.

Facebook Comments