
Nakabalik na sa bansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos ang apat na araw na state visit sa Japan.
Eksakto 6:19 nang gabi kagabi dumating ang pangulo at Philippine delegation sa Villamor Airbase, Pasay City.
Ayon sa pangulo, “highly productive at constructive” ang kaniyang naging pagbisita sa Japan dahil sa mga naselyuhang kasunduan at investments.
Kabilang sa mga pangunahing naiuwi ng pangulo ang pag-angat ng relasyon ng Pilipinas at Japan sa Comprehensive Strategic Partnership, pagsisimula ng negosasyon para sa mas malawak na kasunduan sa depensa at seguridad, at suporta ng Japan sa kandidatura ng Pilipinas sa United Nations Security Council.
Nilagdaan din ng dalawang bansa ang mga kasunduan sa pag-iwas sa double taxation, agrikultura at pangingisda, kalusugan, at human resource development.
Nakapag-uwi rin ang pangulo ng humigit-kumulang US$3.4 bilyong halaga ng investment pledges at business commitments, na inaasahang lilikha ng mahigit 10,000 trabaho para sa mga Pilipino.










