Saturday, May 30, 2026

Modern jeepney at armored car na sangkot sa banggaan sa Quezon City, inisyuhan na ng show cause order ng LTO

Inisyuhan na ng show cause order ng Land Transportation Office (LTO) ang mga rehistradong may-ari at driver ng modern jeepney at isang armored car na sangkot sa banggaan sa kahabaan ng Quezon Avenue Cor. Sen. Miriam Defensor Santiago Avenue, Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City, kahapon.

Kung saan nagresulta ito sa pagkasugat ng 25 mga pasahero.

Pinahaharap na ng LTO sa kanilang tanggapan ang drivers at registered owners ng dalawang sasakyan para magpaliwanag sa June 4,sa susunod na Huwebes.

Pansamantala na ring inilagay sa alarm status ang mga sangkot na sasakyan habang suspendido naman ng 90 days ang lisensya ng mga driver nito.

Facebook Comments