Sa kabila ng konstruksyon ng Sangley Airport sa Cavite.
Sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade na hindi ito ang nag iisang solusyon upang lumuwag at tuluyang mawala ang flight delays sa Ninoy Aquino International Airport.
Ayon kay Sec. Tugade sa ganito kalaking problema hindi kakayanin ng iisang solusyon at hindi rin kaya kung gobyerno lamang ang kikilos.
Kabilang sa basket of solutions na binabanggit ng kalihim ay i-develop ang Clark International Airport, pagandahin at i-develop ang mga pasilidad sa NAIA, ang pagtatayo sa Bulacan airport, pagdaragdag ng night rated capacity airport at pag iimprove sa direct flights.
Kanina, lumagda sa isang kasunduan ang gobyerno at airline companies upang ma-decongest ang NAIA.
Kumpiyansa naman si DOTR Secretary Tugade na maabot ang target na gawing operational ang Sangley Airport sa Nobyembre o bago matapos ang taong kasalukuyan.