PBBM, iniutos ang pagpapalakas sa 911 emergency system ng bansa

Paiigtingin pa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang 911 emergency system ng bansa.

Ito’y kasunod ng kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ilipat at sa 911 system ang dagdag na ₱500 million na intelligence funds ng Philippine National Police (PNP).

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na kasamang magiging reporma sa 911 ay ang pagiging fully integrated language-sensitive nito sa buong bansa.


Ibig sabihin, mauunawaan ng sistema ang mga ng katutubong linggwahe tulad ng Ilocano, Kapampangan, at Oragon.

Bukod dito, ang pagdating ng bawat isang fire truck ay susundan na rin ng ambulansya, at gagamitin na rin ang nasa 5,000 nurses ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Magiging integrated na rin ang body camera at located device ng bawat police mobile at police responder, at may hyperlinks sa video ng isang pangyayari.

Para maiwasan naman ang call pranks, ang mga motorsiklo o barangay muna ang unang reresponde para tiyaking may emergency sa isang lugar, o pwede ring gamitin ang kanilang video streaming.

Mas pagagaanin na rin ang bidding procedures sa fire trucks, at mula sa dalawa ay itataas na sa sampu ang kanilang suppliers.

Facebook Comments