SEARCH WARRANT SA ISANG LALAKI SA SAN JACINTO, NAUWI SA PAGKAKASAMSAM NG ₱84K HALAGA NG DROGA

Sa patuloy na kampanya kontra iligal na droga, matagumpay na naisagawa ng kapulisan ang isang operasyon sa bisa ng search warrant sa isang bahay sa Barangay San Vicente, San Jacinto, Pangasinan.

Nakumpiska mula sa isang lalaki ang walong sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 12.40 grams at kabuuang halagang umaabot sa humigit-kumulang ₱84,320.00.

Isinagawa ang maayos na pag-iimbentaryo ng mga nakuhang ebidensiya sa presensya ng mga kinatawan ng media at mga opisyal ng barangay bilang bahagi ng standard operating procedure.

Matapos basahan ng kanyang mga karapatan, sumailalim sa medical examination at drug test ang suspek bago pansamantalang ipiniit sa himpilan ng San Jacinto PNP para sa karagdagang imbestigasyon, habang dinala naman ang mga nakumpiskang ebidensiya sa laboratoryo para sa pagsusuri. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments