KAPAKANAN NG ‘FURBABIES’ NGAYONG TAG-INIT, DAPAT PAGTUUNAN- PANGASINAN PDRRMO

Mahalagang pagtuunan ang kapakanan ng mga alagang hayop o ‘furbabies’ ngayong tag-init dahil sa pangangailangan ng sapat na alaga at proteksyon laban sa dehydration at iba pang heat-related na karamdaman, ayon sa Pangasinan PDRRMO.

Palala ng tanggapan, huwag kaligtaan ang malinis at malamig na inuming tubig ng mga alagang hayop upang maiwasan ang dehydration, at iwasan ang walking activities sa oras ng matinding sikat ng araw.

‎Pinapayuhan din ang mga pet owners na panatilihin ang kanilang mga alaga sa presko at may lilim na lugar upang hindi sila ma-expose sa sobrang init, at bantayan ang mga senyales ng dehydration gaya ng panghihina, labis na paghingal, at panunuyo ng gilagid.


‎Binigyang-diin ng mga kinauukulan na sa pamamagitan ng simpleng pag-aalaga at pagbibigay-pansin, masisiguro ang kaligtasan, kalusugan, at kasiyahan ng mga alagang hayop kahit sa gitna ng mainit na panahon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments