Pormal nang pinagtibay ang kasong murder na isinampa sa Department of Justice (DOJ) laban sa self-confessed gunman na si Joel Escorial at tatlong kasamahan nito na pumatay sa brodkaster na si Percy Lapid.
Kaninang umaga, nagtungo sa DOJ Prosecutors Office ang kapatid ni Percy na si Roy Mabasa upang pagtibayin at personal na pirmahan ang isinampang kaso kahapon ng Southern Police District laban kay Escorial at mga kasamahan nito na sina Israel Dimaculangan, Edmund Dimaculangan at isang alias Orly.
Naging matipid naman si Mabasa sa iba pang lamang ng reklamo dahil sa ipapasuri pa aniya ito sa kanilang abugado.
Pero pagtitiyak nito, may iba pa silang hakbang na isasagawa sa mga darating na araw.
Sa ngayon ay nananatiling at-large ang tatlong kasamahan ni Escorial pero kumpiyansa ang Philippine National Police na mahuhuli na rin ang mga ito.