Crime scene walkthrough sa pagpatay kay Percy Lapid, nag-match sa mga hawak na CCTV footage ng PNP; transaksyon sa pagbabayad sa gunman, iniimbestigahan na

Iniimbestigahan na ng Southern Police District (SPD) ang naging rebelasyon ng sumukong gunman na si Joel Escorial hinggil sa P550,000 na ibinayad sa kanila sa pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid.

Ayon kay SPD Director PBGen. Kirby John Kraft, kinukumbinsi nila si Escorial na bigyan sila ng awtorisasyong mabuksan ang kanyang account upang makuha sa bangko ang nangyaring transaksyon.

Aniya, maaari itong maging daan upang matukoy ang mastermind sa pagpatay kay Lapid.


Una nang inihayag ng gunman na galing sa Bilibid ang nag-utos na itumba si Lapid, bagay na bineberipika pa ng mga awtoridad.

Samantala, nawala na ang duda ng pamilya Mabasa hinggil sa sumukong gunman.

Ayon kay Kraft, kumbinsido na si Roy mabasa na si Escorial nga ang bumaril sa kanyang kapatid matapos na tumugma ang pagsasalarawan nito sa isinagawa nilang crime scene walkthrough sa mga nakuhang CCTV footage ng mga pulis.

Facebook Comments