Hindi sasama ang Senado sakaling isulong ng Kamara ang pagbuo ng Constitutional Assembly para maisingit ang term extension.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Sen. Sonny Angara na dapat lang limitahan sa probisyon ng ekonomiya ng bansa ang pagtalakay para amyendahan ang Charter Change at hindi sa pagpapalawig ng termino ng mga halal na opisyal ng gobyerno.
Una nang nakapasa sa 2nd reading ng Kamara ang resolusyon na baguhin ang economic provision ng Saligang Batas na layon umanong makatulong sa pagbangon ng bansa sa pandemic.
Pero sinabi ni Angara na karamihan sa mga senador ay hindi kumbinsido na ngayon ang panahon para baguhin ang saligang batas, lalo’t mas maraming isyu ang kailangang tugunan ng Kongreso.
Facebook Comments