
Hindi na ikinagulat ng Senate Impeachment Court ang pagdulog sa Korte Suprema ng depensa kaugnay sa naging botohan sa voting threshold para sa conviction sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Kasunod ito ng paghahain ni dating Executive Secretary Vic Rodriguez ng petition for writ of preliminary injunction sa Korte Suprema hinggil sa naging botohan at humihingi rin sila ng temporary restraining order laban sa impeachment trial.
Ayon kay Gatchalian, inaasahan na nila ito dahil may mga pahiwatig ang defense team na gagawin nila ang lahat ng legal na remedyo.
Sinabi ni Gatchalian na aabangan nila ang magiging aksyon ng mga mahistrado ng Supreme Court sa petisyon sabay paalala sa naging pahayag ni dating Chief Justice Reynato Puno na ang Impeachment Court ay hindi under ng Supreme Court o ng judiciary.
Aniya pa, ang trabaho ng impeachment court alinsunod sa konstitusyon ay maglitis at magdesisyon kaya’t magpapatuloy aniya ang paglilitis hanggang magbaba na sila ng hatol.
Binanggit din ng Senate President ang naging pahayag ni dating Chief Justice Artemio Panganiban na maaari lang iakyat sa Korte Suprema ang mga desisyon ng Impeachment Court kung mayroong grave abuse of discretion o malalang pag-abuso sa kapangyarihan kaya’t mas mataas ang pamantayan sa pagdulog sa Korte Suprema.










