
Nananawagan sina Akbayan Party-list Representatives Chel Diokno at Rep. Perci Cendaña sa mga kapwa mambabatas na agad ipasa ang House Bill No. 10058, o panukalang Child Safety Against Gun Violence Act.
Mensahe ito nina Diokno at Cendaña kasunod ng insidente ng pamamarili sa Banga National High School South Cotabato.
Diin ni Diokno, Ipinakikita ng panibagong insidente ng karahasan sa paaralan ang pangangailangan para sa komprehensibong reporma upang matiyak ang kaligtasan sa mga eskuwelahan at mapigilan ang pagkakaroon ng access ng mga kabataan sa mga baril at iba pang armas.
Nababahala naman si Cendaña na tila nagkakaroon na ng epidemic ng gun violence sa ating mga poaralan kaya dapat aniya na maging mabilis ang pagkilos para maprotektahan ang ating mga kabataan.
Sa ilalim ng panukalang batas ay ire-regulate ang access at paggamit ng baril, at panagutin ang mga nagmamay-ari ng ganitong uri ng armas upang pagbawalan ang access ng mga menor de edad sa baril at gawing Gun-Free Zones ang mga paaralan.










