Monday, September 21, 2026

Kamara, nagsasagawa ngayon ng necrological service para kay dating Congressman Dakila Cua

Nagpapatuloy ngayon ang necrological service ng House of Representatives para sa yumaong si dating Quirino Rep. Dakila Carlo “Dax” Cua na ginaganap sa Plenary Hall ng Batasang Pambansa.

Si Cua ay naging miyembro ng Kamara sa ilalim ng 15th, 16th at 17th Congress bago siya muling naging gobernador ng kanyang lalawigan.

sa House Resolution No. 1459 na ini-akda nina House Speaker Faustino “Bojie” Dy III, at Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos at Minority Leader Marcelino Libanan ay binigyang-diin ang kahanga-hangang serbisyo sa publiko ni Cua.

Binanggit din sa resolution ang mga panukalang-batas na ini-akda ni Cua tulad ng Free Internet Access in Public Places Act, Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Act, Philippine Competition Act, Iskolar ng Bayan Act the Ladderized Education Act.

Tinukoy din sa resolusyon ang naging pamumuno ni Cua sa iba’t ibang organisasyon tulad ng Union of Local Authorities of the Philippines, League of Provinces of the Philippines, at United Cities and Local Governments Asia Pacific.

Ayon kay Speaker Dy, hindi lamang isang mahusay at dedikadong lingkod-bayan si Gov. Dax, kundi isang lider na may malasakit sa mamayan at nagsisikap na maiangat ang buhay ng mga pamilyang Pilipino kanyang pinaglilingkuran.

Facebook Comments