
Naghain ng petisyon ang isang abogado sa Korte Suprema para hilingin ang Kataas-taasang Hukuman na maglabas ng desisyon kaugnay sa pagbabatayan ng 2/3 votes para sa conviction sa impeachment kay Vice President Sara Duterte.
Sa inihain petition for certiorari and prohibition ni Atty. Ernesto Francisco Jr., hiniling niya na maglabas ng status ante order ang SC dahil ang naging hakbang ng Senado ay labag sa Konstitusyon ng Pilipinas.
Giit ni Atty. Francisco, walang karapatan ang Senado na labagin o baguhin ang Konstitusyon kung saan ang Korte Suprema lamang ang maaaring magdeisyon hinggil sa nasabing usapin.
Paliwanag pa ng abogado, dapat manatili ang nasa batas na 16 o 2/3 ng 24 na bilang ng senador ang dapat na bumoto sa anumang impeachment trial.
Sinabi pa ng abogado, wala siyang pinapanigan na sinuman hinggil sa naturang usapin kung saan hiling lang niya na maipatupad ng tama ang batas.










