Senator Gordon, may payo sa susunod na Senate Blue Ribbon Committee chairman

190

Nagbigay ng payo si outgoing Senator Richard Gordon sa sinumang uupo bilang bagong chairman ng Senate Blue Ribbon committee.

Ayon kay Gordon, dapat maging independent-minded ang sinumang uupo sa naturang komite at isasantabi mo ang iyong partido dahil dapat manatili ang katapatan mo sa iyong bansa at hindi sa iyong kapartido.

Inilabas ni Gordon ang naturang pahayag kasunod ng pagdeklara ni returning Senator Alan Peter Cayetano ng pagnanais na pamunuan ang Senate Blue Ribbon committee.


Ngunit ayon kay Senate Majority Leader at presumptive Senate President Juan Miguel Zubiri ay inalok na ito kay Senator Francis Tolentino na siyang tinanggap naman nito.

Ang Blue Ribbon committee ay nag-iimbestiga ng mga anomalya, katiwalian at kabiguan ng mga opisyal sa gobyerno kaya ayon kay Gordon ay mahalaga na patas at may paninidigan ang sunod mamumuno nito.

Facebook Comments