Libreng Kasalang Bayan, handog ng Navotas LGU

20

Magsasagawa ng isang kasalang bayan ang lokal na pamahalaan ng Navotas sa lungsod.

Batay sa anunsyo ng Navotas LGU, tanging 50 pares lamang ang tatanggapin nila para sa naturang pagtitipon.

Maaaring mag-apply ang mga Navoteño na may edad 25 taong gulang pataas na nagsasama na ng limang taon pataas at may mga anak.


Mangyaring sumadya lamang sa tanggapan ng Local Civil Registrar’s Office sa ikalawang palapag ng Navotas City Hall mula Lunes hanggang Biyernes sa ganap na 8am-5pm.

Dalhin lamang ang Certificate of Marriage ng magkasintahan, Birth certicate ng magkasintahan at ng kanilang mga anak na may edad 5 taong gulang pataas, at Cedula at 2×2 ID picture ng magkasintahan.

Gaganapin ang Kasalanang Bayan sa June 24, 2022.



Facebook Comments