Senator Joel Villanueva na miyembro ng Tau Gamma Phi, humingi ng paumanhin sa pamilyang Salilig

Humingi ng paumanhin si Senate Majority Leader Joel Villanueva, na frat member ng Tau Gamma Phi, sa pamilya ng estudyante ng Adamson University na si John Matthew Salilig na nasawi sa hazing.

Ayon kay Villanueva, nakakagalit ang nangyari sa biktima lalo’t hindi naman bagong miyembro ng Tau Gamma Phi si Salilig at welcoming rites lang dapat ito.

Sinabi ng senador na dahil sa insidente ay lalong nakakagalit, nakakapanlumo at nakakahiya na maging miyembro ng isang organisasyon.


Magkagayunman, nilinaw ni Villanueva na walang puwang sa mundo ang karahasan at pagpatay at hindi kinukunsinti ng kapatiran ang mga ganitong gawain.

Nagpahayag si Villanueva ng pakikidalamhati sa pamilyang naiwan ni Salilig at batid niya na walang katumbas ang sakit na sinapit ng kanilang kaanak.

Kasabay nito ay hiniling ng mambabatas na bisitahin ang Anti-Hazing Law partikular sa implementasyon ng nasabing batas.

Facebook Comments