Wednesday, November 18, 2026

Pangingisda at paglalayag ng mga sasakyang-pandagat, ipagbabawal ng PCG sa bahagi ng karagatan sa Aparri, Cagayan

Ipinagbawal ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pangingisda at paglalayag ng mga sasakyang-pandagat sa mga itinalagang no-sail zone sa karagatan malapit sa Fuga Island sa Nobyembre 21 at Barangay Dodan sa Nobyembre 24.

Ito’y dahil sa nakatakdang military live-fire exercises kunf saan gagamit ng mga live ammunition sa Counter-Landing Live Fire Exercises na bahagi ng Armed Forces of the Philippines Joint Exercise Dagat-Langit-Lupa.

Layunin ng pagsasanay na palakasin ang kakayahan ng bansa sa pagtatanggol sa mga baybayin nito.

Saklaw ng restricted area sa karagatan ng Barangay Dodan ang humigit-kumulang 7,212 ektarya kaya’t pinagbabawal din ang pagpasok ng mga sasakyang-pandagat sa mga itinalagang katubigan malapit sa Fuga Island sa araw ng pagsasanay.

Hinimok ng Coast Guard Station Cagayan ang mga mangingisda at operator ng mga sasakyang-pandagat na sundin ang mga restriksyon at iwasan ang mga apektadong katubigan upang maiwasan ang aksidente

Tiniyak naman ng PCG na nagpatupad sila ng mga hakbang pangkaligtasan at nakikipag-ugnayan sa mga lokal na awtoridad gayundin sa residente bago at habang isinasagawa ang mga military exercise.

Facebook Comments