Ship captain ng barko ng Philippine Navy na umaresto sa ilang Vietnamese sa Pangasinan, sinibak!

Manila, Philippines – Sinibak na ng liderato ng Philippine Navy ang ship captain ng BRP Miguel Malvar o PS 19 habang nasa restrictive custody na ang mga crew nito.

Ito ay matapos na madiskubre ng mga awtoridad ang dalawang bangkay ng Vietnamese na nasa loob ng Vietnamese fishing vessel matapos maaresto ang lima pang Vietnamese sa Bolinao, Pangasinan noong September 23, 2017 habang sakay ng PS 19.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Marine Col Edgard Arevalo, mismong si AFP Chief General Eduardo Año at Flag Officer-in-Command ng Philippine Navy na si Vice Admiral Ronald Joseph Mercado ang nag-utos ng pagsibak sa mga ito habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.


Iniimbestigahan na ngayon ng militar, Philippine National Police at Philippine Coast Guard kung sino ang nakapatay sa dalawang Vietnamese.

Sa ngayon nanatili sa custody ng PNP, Bolinao ang limang naarestong Vietnamese na ngayon nahaharap sa kasong illegal fishing at illegal entry matapos maaktuhang nangingisda sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Facebook Comments