SINIBAK NA? | Kampo ni Justice Secretary Aguirre, itinangging sibak na sa pwesto ang kalihim

Manila, Philippines – Itinanggi ng kampo ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na sinibak na ng Pangulong Duterte ang kalihim.

Ayon kay Justice Undersecretary Erickson Balmes, sumasailalim lamang ngayon si Aguirre sa routine checkup kaya hindi ito nagre-report sa kanyang tanggapan.

Wala rin aniya silang natatanggap na kumpirmasyon mula sa MalacaƱang hinggil sa sinasabing pagsibak ng Pangulo sa Justice Secretary.


Lumutang ang balita hinggil sa sinasabing pagsibak ng Pangulong Duterte kay Aguirre nang madismaya ang presidente sa pagkaka-dismiss sa drug case laban kina Peter Lim, Peter Co, Kerwin Espinosa at iba pa.

Facebook Comments