SISIGURADUHIN | DFA, binigyang diin na nasusunod pa rin ang rule of law sa bansa sa pagpapatupad ng kampanya kontra ilegal na droga

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nananatiling ginagabayan ang Pilipinas ng rule of law sa pagpapatupad ng anti-illegal drugs campaign.

Tugon ito ng DFA sa lumabas ng report ng US state department na ‘major human rights concern’ ang Extra Judicial Killings (EJK) at police impunity sa ilalim ng war on drugs.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, ang mga anti-illegal drugs operation ay layuning protektahan ang karapatang pantao ng lahat ng Pilipino.


Bukod dito, inililigtas din nito ang buhay, pinahahalaga ang bawat pamilya, protektahan ang mga komunidad at mailigtas ang bansa sa pagiging narco-state.

Facebook Comments