INABUSO | Labi ng Pinay worker na natagpuang patay sa freezer sa Kuwait, darating sa bansa ngayong araw

Manila, Philippines – Inaasahang darating ngayong umaga ang labi ni Joanna Demafelis, ang OFW na pinatay at isinilid sa freezer sa Kuwait.

Ayon kay Philippine Ambassador to Kuwait Renato Villa, tiniyak sa kanya ng Kuwaiti authorities na gagawin nila ang lahat para maaresto ang employer ni Demafelis na isang Lebanese at ang misis nito na isa namang Syrian.

Ililipat naman aniya sa sabado ang labi ni Demafelis sa kanilang bayan sa Sara, Iloilo.


Sinabi naman ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Deputy Administrator Arnel Ignacio, makatatanggap mula sa ahensya ang pamilya ni Dimafelis ng P600,000 bilang tulong pinansyal at karagdagang P200,000 o kabuang P800,000.

Facebook Comments