Manila, Philippines – Naniniwala si Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na ginagamit lamang ng administrasyon ang problema sa waste management and sanitation sa Boracay para bigyang daan ang pagpapagawa ng casino doon.
Hindi aniya masisisi ang publiko kung pagsususpetsahan na kaya isinara ang Boracay ay para malayang makagalaw doon ang mga kaalyado na may pansariling interes.
Ginamit lamang na “smokescreen” o dahilan ang problema sa waste management sa isla gayundin ay ginamit itong advantage laban sa mga residente doon para hindi mapakialaman ang proyekto.
Dagdag pa ng mambabatas, dahil sa casino ay tiyak na tataas ang antisocial activities sa isla na dapat sana ay pag-e-enjoy at family bonding ang ginagawa.
Facebook Comments