
CAUAYAN CITY – Idineklara bilang Special Non-Working Holiday ang ika-23 ng Enero sa bayan ng Naguilian, Isabela, ayon kay Municipal Engineer Juan Capuchino.
Ang deklarasyong ito ay nakasaad sa Executive Order No. 003 series of 2025.
Saklaw ng nasabing kautusan ang lahat ng antas ng mga opisina ng gobyerno, pati na ang pampubliko at pribadong paaralan sa nasabing bayan.
Layunin nitong bigyang-daan ang mga residente ng Naguilian na makilahok sa selebrasyon ng Scarecrow Festival o mas kilala bilang Bambanti Festival 2025 sa Lungsod ng Ilagan.
Samantala, ang pagpapatupad ng suspensyon ng trabaho at klase sa mga pribadong paaralan at establisyimento ay nakasalalay pa rin sa desisyon ng kani-kanilang mga pamunuan.
Facebook Comments