
Cauayan City – Umabot sa 592 benepisyaryo sa Lungsod ng Ilagan ang nakatanggap ng Livelihood Settlement Grant mula sa Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2.
Ang kabuuang tulong pangkabuhayan na naipamahagi ay nagkakahalaga ng P5,925,000, na layuning suportahan ang mga benepisyaryo sa pagsisimula o pagpapalago ng kanilang negosyo at kabuhayan.
Ang SLP ay bahagi ng programa ng DSWD na tumutulong sa mga Pilipino upang mapaunlad ang kanilang kakayahan, kasanayan, at karanasan para sa mas matatag na kabuhayan at oportunidad sa trabaho.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na layunin ng ahensya na maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga benepisyaryo tungo sa mas produktibo at masaganang kinabukasan.