SSB nakiisa sa Balik Baril Program,9 na baril isinuko

42

Siyam na matataas na kalibre ng baril ang isinuko mula sa 7 baranggay ng bayan ng Sultan Sa Barongis sa Maguindanao kasabay ng balik baril program campaign ng 6th ID. Kinabibilangan ito ng M14, Garand, Carbine, Barret, M79, at RPG. Nanguna sa programa si SSB Mayor Ramdatu Angas kasama sina 40th IB BatCom Lt. Col Edgar Catu at dumalo rin aktibidad si 601st Brigade Commander BGen Diosdado Carreon. Patuloy naman ang paghimok ng pamunan ng 6th ID sa publiko na makiisa sa kanilang kampanya. Kasalukuyang higit 200 armas na ang naisuko kasabay ng pag-arangkada ng Balik Baril Program sa Maguindanao. Contributed Pic

Facebook Comments