Statement ng mga suspek sa Degamo killing, isinasapinal na!

Tinatapos na ng Department of Justice (DOJ) ang mga statement na isinumite ng mga suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Ayon kay Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, may pauna na siyang impormasyon hinggil sa testimonya ng mga suspek subalit hindi pa niya ito nababasa.

Aniya, magkakaroon din ng supplemental affidavit ang dalawa sa mga suspek.


Habang ang dalawa pang suspek ay magkakaroon naman ng affidavit.

Una nang nagsalita ang mga suspek kung saan itinuturo nila si Congressman Arnolfo Teves sa Degamo killing.

Facebook Comments