Nagkaroon ng pagtaas sa presyo ng ilang shellfish products sa Magsaysay Fish Market sa Dagupan City.
Ang tahong, mula P60 kada kilo, tumaas ito ng naglalaro sa P90 hanggang P100.
Tumaas din P20 ang kada kilo ng talaba na dating nasa P80.
Ayon sa mga vendors, kaunti raw umano ang suplay ng mga ito lalo na ang tahong kaya nararanasan sa ngayon ang bahagyang taas presyo nito.
Naglalaro naman sa P50 hanggang P80 ang per kilo ng lukan maging ang tubing tubing.
Samantala, sa pinakahuling inilabas na abiso ng Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o DA – BFAR Region 1, nananatiling ligtas mula sa banta ng toxic red tide ang mga shellfish products na mula sa mga coastal waters at mariculture areas ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments