Saturday, January 24, 2026

Taliwas na polisiya ng NTC, sinita ng isang senador

Sinita ni Senator Imee Marcos ang panukalang polisiya ng National Telecommunications Commission (NTC) na tila taliwas sa layunin ng Konektadong Pinoy Act.

Panawagan ng senadora, huwag isabotahe ang batas.

Iginiit ni Sen. Marcos na hindi dapat iilan ang nagdedesisyon kung sino ang magkaka-signal at sino ang wala dahil ang koneksyon ay para sa lahat at hindi lang sa mga lugar na kikita ang malalaking telco.

Partikular na pinuna ng senadora ang labis na paghihigpit sa mga maliliit na community-based providers at ang pagtatakda ng mataas na kapital at bond na maaaring pumatay sa kompetisyon.

Pinalagan din ng mambabatas ang probisyong nagbibigay sa NTC ng malawak na kapangyarihang mag-disqualify ng mga aplikante nang walang malinaw na pamantayan.

Binatikos din ni Marcos ang pagbabawal ng NTC sa electronic filing at ang pagpupumilit sa pagsusumite ng hard copy dahil luma na ang ganitong proseso na salungat sa isinusulong na e-governance sa bansa.

Facebook Comments