Tapyas sa 2023 budget ng NTF-ELCAC, ipapabalik ng Kamara

Isusulong ng kinatawan ng Mababang Kapulungan sa Bicameral Conference Committee na maibalik sa 2023 budget ang orihinal na pondo para sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC.

Ayon kay Appropriations committee chairman at Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co, makikipag-ugnayan sila sa mga kinatawan ng Senado sa Bicam na maibalik ang tinapyas sa pondo ng NTF-ELCAC para sa susunod na taon.

Ang naturang hakbang ayon kay Co ay alinsunod sa batas ni House Speaker Martin Romualdez at Senior Deputy Majority Leader Alexander Sandro Marcos.


Diin ni Co, kinikilala ng Kamara ang mahalagang papel ng NTF-ELCAC sa pagresolba sa ilang dekada ng problema ng bansa sa insurhensya.

Dagdag pa ni Co, ang pagtugon sa insurgency ay kasama din sa mga prayoridad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na nakapaloob sa National Expenditure Program ng administrasyon na isinumite sa Kongreso.

Facebook Comments