Tatlong carnapper – patay matapos makaenkwentro ng mga pulis sa Fairview, Quezon City

30

Quezon City, Philippines – Patay sa pamamaril ang tatlong carnapper matapos makaengkwentro ng pulisya sa Fairview, Quezon City.

Sa ulat, naabutan ng mga pulis na pinagtatanggal na ng mga suspek ang mga piyesa ng sasakyan.

Imbes na sumuko ang mga suspek ay nanlaban ang mga ito sa mga pulis.

Kwento ng taxi driver, sumakay ang mga suspek sa Katipunan Avenue at pagdating sa V. Luna ay dito na sila nagdeklara ng holdap.

Sapilitan aniya ang pangtangay sa taxi.

Ayon kay QCPD Director Chief Supt. Guillermo Eleazar – pagbaba ng driver ay agad nito nakapagsumbong sa otoridad kaya’t nakapagsagawa ng follow-up operation.

Narekober sa mga napaslang na suspek ang dalawang 9 millimeter na baril at isang di’ tukoy na kalibre ng baril.

Inaalam ngayon kung konektado ang mga suspek sa alinmang sindikato.
DZXL558

Facebook Comments