Kinilala ang mga suspek na sina Ernest Razon, 29-taong gulang, electrician at residente ng Solano, Nueva Vizcaya; Carmelo Klydrix Molina Jr at Mark Lester Bueno, 26-taong gulang, car wash boy at residente ng Masoc, Bayombong, Nueva Vizcaya.
Nakumpiska mula sa pag-iingat ng mga suspek ang dalawang pirasong plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang droga, isang piraso ng transparent plastic na naglalaman ng isang brick ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may fruiting tops, tatlong piraso ng small heat-sealed transparent plastic na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana, iba’t ibang paraphernalia, dalawang cellphone, drivers license, isang pakete ng sigarilyo na naglalaman ng dalawang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets ng shabu, at apat na piraso ng transparent plastic sachets pinaglagyan ng iligal na droga.
Ang nakuhang isang gramo ng shabu ay nagkakahalaga ng Php6,800 habang ang 200 gramo naman ng marijuana ay nagkakahalaga ng Php24,000.
Nahaharap ang tatlo sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.