DALAWANG WANTED PERSONS, NAKORNER NG MGA PULIS

21
Nakorner ng mga pulis ang dalawang wanted person sa Tabuk City, Kalinga noong Setyembre 9, 2022.

Sa ibinahaging impormasyon ng PNP Tabuk, ang mga naaresto ay 34-taong gulang na lalaking pintor at isang 33-taong gulang na babae, walang trabaho na parehong residente ng Irisan, Baguio City.

Sila ay inaresto matapos isilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest para sa kasong estafa bandang 11:30 nitong Biyernes.

Nag-ugat ang kaso na isinampa laban sa mga suspek dahil hindi nila nai-kabit ang mga sliding door para sa pitong bintana at isang pintuan ng bahay ng complainant matapos bayaran ng 60, 000 pesos.

Nagkakahalaga ng 36,000 libong piso bawat isa ang itinakdang piyansa para sa kanilang pansamantalang paglaya.

Facebook Comments