Tatlong kabataan, naaresto sa drug buy bust operation sa Cagayan de Oro

Tatlong kabataan ang naaresto ng kapulisan sa isinagawang joint drug buy bust operation sa Macanhan, Barangay Carmen sa Cagayan de Oro kagabie.
Ang mga suspek ay sina Latip Agao, 19 anyos, Isah Bansara at Ryan Majinar na parehong 17 anyos na pawang mga taga Barangay Balulang.
Naaresto ang tatlo sa joint operation ng Cogon Police Station, Regional Drug Enforcement Unit, Task Force Oro at City Public Safety Company.
Nakuha mula sa mga suspek ang shabu na nagkakahalaga ng mahigit sampung libo at buy bust money.
By: Kasamang Annaliza Amontos-Reyes

Facebook Comments