MR PANGASINAN 2026, HANDA NANG MAGPAKILIG PARA SA KANILANG PRELIMS AT CORONATION NIGHT

Handa na bang masilayan ang mga Nagwa-gwapuhan at matitikas na pambato ng ating mga bayan?

Dahil ang pinaka-inaabangang Mr. Pangasinan 2026, ay magpapakilig na!

Ngayong araw, Nakapanayam ng inyong lingkod (Idol Maya) sina Patrick Bautista mula sa Urdaneta City, Jeremy Ong ng Bayambang, Klyde San Diego mula sa Calasiao, at Syrelle Centeno ng Malasiqui sa programang IFM sa umaga!

Ang mga pambato nating ito ay dumaan sa matinding screening at interview para mapabilang sa Top 26, kung saan ang mga kwalipikadong kandidato ay nasa 18-30 years old.

Ngayong darating na May 2, 2026, gaganapin sa Urdaneta City ang kanilang Pre-Pageant at Preliminaries kung saan sasalang ang mga ito sa isang closed door interview at rarampa kinagabihan para sa swimwear competition, formal wear, at isang designer fashion show!

Sa naturang preliminaries, mula sa 26 candidates ay pipiliin na ang Top 13 na aabante sa coronation night na gaganapin naman sa May 9, 2026, sa bayan ng Rosales.

Para sa mga gustong kiligin at sumuporta, may mga available na tickets para sa Pre-pageant at Coronation.

Bisitahin lang ang Official Facebook Page ng Mr. Pangasinan para sa detalye.

Mapapanood din dito ang buong event via Facebook Live! | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments