ENDEMIC SPECIE NA MUSANG, NASAGIP SA LOOB NG RESIDENTIAL AREA SA POZORRUBIO

Isang wild Philippine Civet Cat o musang ang nasagip matapos matagpuan mismo sa loob ng residential area sa Pozorrubio, Pangasinan.

Ayon sa ulat, isang sibilyan ang nakapansin sa ligaw na hayop at agad itong ini-report sa Barangay Palacpalac.

Inilagay ang musang sa isang safety crate at ibinigay sa pangangalaga ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO).

Kamakailan, naibigay na sa CENRO Eastern Pangasinan ang naturang hayop para sa agarang pagsusuri at wastong pangangalaga.

Babala naman ng MENRO, ang musang ay isa sa mga endemic species ng bansa na patuloy na nalalagay sa panganib dahil sa ilegal na pangangaso, polusyon, at mabilis na pagkasira ng kanilang natural na tirahan.

Dahil dito, muling nanawagan ang mga awtoridad sa publiko na huwag saktan ang mga ligaw na hayop at pangalagaan ang kanilang tirahan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙬𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments