DAGUPAN CITY GOVERNMENT, PATULOY NA HINIHIKAYAT ANG MGA NEGOSYANTE NA MAMUHUNAN SA LUNGSOD

Patuloy ang paghikayat ng Pamahalaang Lungsod ng Dagupan sa mga negosyante at mamumuhunan na magtayo at magpalawak ng negosyo sa lungsod sa pamamagitan ng mas pinadaling proseso at mas maayos na koordinasyon sa iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan.

Ayon sa lungsod, handang tumulong at gumabay ang mga kaukulang opisina upang mapabilis ang pagproseso ng mga kinakailangang permit at dokumento para sa mga nais mamuhunan sa Dagupan.

Samantala, pinuna ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez ang pamunuan ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa lungsod dahil sa umano’y mabagal na pagproseso ng ilang requirements na kinakailangan ng mga negosyo. Aniya, agad naman itong binibigyan ng kaukulang solusyon upang hindi maantala ang mga aplikasyon.

Binigyang-diin ng alkalde na walang magiging problema sa pag-apruba ng mga aplikasyon basta’t mabilis, transparent, at naaayon sa batas ang proseso at isinasaalang-alang ang kapakanan ng lungsod at ng mga mamamayan nito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments