
Patuloy ang serbisyo ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga pamilyang mabiktima ng lindol sa Sarangani.
Katuwang ang Philippine Air Force (PAF) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagsasagawa ng relief operations, tuluy-tuloy ang paghatid ng tulong ng PCG.
Gamit ang aerial assets ng PCG at PAF, naihatid ang 65 kahon ng family food packs sa Rio Del Pilar, Glan, Sarangani Province, para sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng nagdaang lindol sa rehiyon.
Ang operasyon ng mga ahensiya ng pamahalaan ay alinsunod sa utos ng pangulong Marcos na makapagbigay ng mabilis na tulong sa bawat nabiktima ng lindol.
Bahagi rin ito ng patuloy na pagtugon ng PCG sa ilalim ng kampanyang “Intensified Community Assistance, Awareness, Response, and Enforcement (iCARE)” na nakatutok sa paghahatid ng agarang tulong at serbisyo sa mga Pilipino.










