Batikang direktor na si Cathy Garcia Molina, magreretiro na

62

Manila, Philippines – Nakatakdang magretiro ang premyadong direktor na si Cathy Garcia-Molina.

Ayon kay Direk Cathy – hanggang sa susunod na taon na lamang siya at tatapusin na lamang niya ang pelikula na pagbibidahan nina Robin Padilla at Sharon Cuneta maging ang movie nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Katwiran ng direktor, nais niyang matutukan ang paglaki ng kanyang mga anak at magkaroon ng oras sa pamilya.

Sa New Zealand balak tumira ni Direk Cathy sa kanyang pagre-retire.

Facebook Comments