TIMBOG | 2 arestado sa buy-bust operation sa QC

25

Quezon City – Arestado ang dalawang katao sa ginawang buy-bust operation sa Plaza Panzol, Barangay Panzol, Quezon City.

Kinilala ang mga suspek na sila Reggie Aguilar, 41-anyos, isang aircon installer at ang 27-anyos na si Riza Cabalza.

Isang pulis ng Police Station 8 sa pangunguna Police Senior Inspector Noel Victorino Magante ang umaktong bibili ng shabu sa mga suspek.

Nang magpositibo ay agad nang kinuwelyuhan sina Aguilar at Cabalza.

Nakuha sa mga suspek ang limang transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu at dalawang two hundred peso bill na buy-bust money.

Facebook Comments