Tuesday, April 21, 2026

Suspek sa kasong kidnapping sa Pasay noong 2024, arestado sa Maynila

Arestado ng mga operatiba ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang isang high-value wanted person na nakatala bilang Top 6 Regional Most Wanted Person sa isinagawang operasyon sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Jaycee,” 39 taong gulang at residente ng Quezon City.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte sa Makati para sa kasong kidnapping and serious illegal detention, na walang inirekomendang piyansa.

Nag-ugat ang kaso noong June 13, 2024, kung saan dinukot ang biktima at ang driver nito at dinala sa iba’t ibang lokasyon. Doon sila pinagbantaan at pinilit ibigay ang impormasyon hinggil sa kanilang financial account, na nauwi sa hindi awtorisadong paglipat ng assets.

Kalaunan, pinalaya rin ang mga biktima makalipas ang ilang oras.

Facebook Comments