TINAMBANGAN | Councilor sa Abra, patay matapos pagbabarilin ng riding in tandem

16

Abra – Patay ang isang councilor sa Lagayan, Abra matapos na pagbabarilin sa loob ng kaniyang bakuran sa Sitio Manaoais, Poblacion.

Sa ulat, agad na tumawag ng pulis ang mga kapitbahay ni Councilor Isagani Joson matapos silang makarinig ng putok ng baril sa bakuran nito.

Pagdating ng mga otoridad ay nakita na lang nila na duguan at walang buhay na nakahandusay ang biktima habang hawak ang kaniyang .45 na baril.

Tama ng bala sa likod na tumagos sa kanyang dibdib ang ikinamatay ng opisyal kung saan narekober ng mga tauhan ng PNP ang ilang piraso ng bala ng cal. 45, cellphone at ilang basyo ng hindi pa batid na kalibre ng baril.

Facebook Comments